Links
index
message
RSS
lettertoafriend
credit


About
juliet / 16 / philippines


  "If you remember me, then I don't care if everyone else forgets.” 
― Haruki Murakami, Kafka on the Shore  

6:56pm 071614

“nagyon-ngayon ko lamang napagtanto. matapos ang dalawang taon, oras na lamang ang hinihintay ko. sa susunod na dalawang taon, panahon na lamang ang magiging mahalaga habang ang tao|ng iyon, mamahalin ko na lamang sa bilang ng kada segundo, minuto at buong araw. kapag nabuno na, ang pag-ibig ay pupunitin na lamang na parang kalendaryong papel sa isang kongkretong pader na–hindi na magagamit kasi tapos na, nadaanan na. papalitan na, panibago ulit.”


nang matapos ko ng isulat iyon rito, ‘yung puso ko parang niyakap ang sarili niya. parang kinumutan ang sariling luha. ‘yung dugo niya, gamuntik na matuyo, parang mamatay sa sakit. masakit pa rin pala. nakakatawa.

7:40pm

9:11 pm

———————————————————————————————gupitin at itago, habang buhay—————————————————

11:46 ng gabi
ng hunyo 19, 1995
sabado, habang patuloy
ang ulan sa pagbagsak


para ito sa taong minamahal ko na at balang araw, madidiskubre kong
mamahalin ko pa pala ng mas higit sa nararamdaman ko sa ngayon:


kamusta ka? ilang taon na ba ako ngayon? magdidisyesyete sa ika dalwampu’t isa ng setyembre sa taong ito.
ilang buwan na lamang ang dadaanan at iyon na, mas matanda na ako sa mga luma kong sulatin, sa mga
natutulog kong mga liham at sa mga nakaraan kong nararamdaman. ang bilis ng panahon. ano? dati, babae ang
pinagtitiyagaan kong gawan ng porselas mula sa mga beads na binibili ni mama sa bayan. samantalang sa
ngayon, lalaki na ang buong puso kong binubuuan ng tula. gabi-gabi, oras-oras.


ang pagmamahal ko sa iyo,
ay ang tula ko na ito.
hindi ko pinag-isipan, ngunit
paano ko kayang natapos?


paulit-ulit kong pinipinta sa aking isipan ang iyong mukha, ngunit nakakatawa sapagkat tubig ang
akin palang ginagamit. sa maraming tao na ako umiyak. sa palad nila, sa balikat at sa kanilang pag-aaring
panyo. naiintidihan mo ba? umiyak ako sa kanila–hindi sa aking mga kamay–para mapansin nila na sila
ang aking minamahal, para sa kanila ang tubig ng mga mata na magiging hangin rin–na parang pag-ibig.
hindi nakikita, ngunit nararamdaman. ang pag-ibig na mula sa mata, ngunit hindi pa rin tunay na nakita.
at ang mukha mong ipinipinta ng aking kamay na hindi ko kailanman niluhaan, sapagkat ang
pag-ibig ang aking ginagamit na pang kulay: walang kulay na tubig.

sa tuwing iguguhit ko palang ang
hugis nag iyong katawan, umiiyak na ako. ganoon ako magpinta.


nang natatapos ko ang
bawat tula, nakararamdam
ako ng mga panibagong
tubo ng pag-ibig.


isang kabaliwan ito, paano ba masasabi na ikaw na ang talaga ang minamahal ko? ni hindi ko nga
maipaliwanag kung ano talaga ang laman ng aking puso. sige, mag-iimbento ako. ang laman ng aking
puso ay isang malawak na malawak na disyerto at sa bandang kanan, may isang kaktus na nakatayo,
nakaharap sa araw at nakangiti. may isang huwebes na sinabi niya, sa pagkakatanda ko, habang bumababa
ang araw sa hindi tiyak na dulo ng lugar na iyon,


alam mo araw, nagtataka ako sa bawat paglubog mo,
kung bakit hindi mo ako nagagawang tuyuin ng iyong mainit na sikat. handa naman akong matuyo, oo,
handa akong mamatay. lumbay kasi ang kabuuan ng langit sa gabi, madilim at ako lamang mag-isa.
ang mga bituin, sila-sila ang nag-uusap habang ang buwan, may sariling problema kaya maputla.
nalulungkot ako tuwing kakagat ang dilim sa akin. pero, ayos lamang iyon. ang buwan ay balang araw,
tuluyang lalayas at ang mga bituin ay gagala kung saan. ang hiling ko, manatili ka riyan sa gitna,
at ako rito sa bandang kanan. hindi tayo mapapgod at huwag tayong maiinip, hayaan natin na ang
mundo ang umikot upang sa tuwing takdang oras, ay magkita tayo.


sa haba ng sinabi ng kaktus, hindi na tuloy narinig ng araw ang mga huli niyang sinabi, sapagkat tuluyan
ng lumingon sa dilim ang daigdig.


sa bawat gabi na natatanaw ko ang pinaghalo-halong anino, ipinagmamalaki ko sa lahat ng buhangin
na sa pagbisita mo, doon lamang makikita ang tunay na ganda ng mundo. mag-iingat ka.


noong biyernes ng tanghali, nagayak ang kaktus at natapos ang kanyang pananabik. ngunit, nasaktan ako
sakanyang mga tinik, humaba ang mga iyon upang yakapin ang araw. mas malungkot kasi ang araw. sa
kalawakan pala, walang umaga, walang katapusan ang dilim.


ikaw ang aking liwanag, paano pa mumulat ang aking mga mata kung wala ka? hindi ko malalaman na
malawak ang disyerto kung wala ka, hindi sana ako nagmamahal kung wala ka.


at wala ka pa rin. imahinasyon ko palang ito. pero alam ko na na alam mo na mahal kita. wala ka mang
itsura pa, alam kong mahal kita. ang kaktus nga, hindi talaga alam ang itsura ng araw sa sobrang liwanag
nito. magpahanggang ngayon.


hindi kaya nagtatanong ang kaktus gaya ko? malamang sa malamang ay tumutula rin siya sa tainga ng
paligid niya. walang nakakarinig no’n. parang sa sitwasyon ko lamang. nakakabaliw nga sapagkat kahit
ilang beses na akong nabigo, buo pa rin ang aking pag-asa na liligaya rin ako–ng dahil sa aking itina
tagong pag-ibig.


hindi na nga marahil pa magtatapos ang mga katanungan. hindi na iyon mawawala sa bawat tula na aking
gagawin. kaya ang mga tula ko, hindi iyon tapos. sapagkat natapos sila sa mga tanong. na hindi naman
maaring masagot dahil, ang lupa ng kawalan ay tutubuan lamang ng bagong buto ng pag-ibig na
lalaki bilang katanungan rin. para mas maging klaro, ang buto ay magkakapares. kapag umusbong na,
ang imahe nila ay tila tandang pananong. ang tuldok sa ilalm ng mga kurba ay siyang mga ugat na naka
higa sa ilalim ng lupa habang ang mga kurba ay magkakabit-kabit. para mangyari iyon, ang isa ay magsa
sakripisyo upang bumaligtad. at pareho silang nakatalikod sa isa’t isa upang lamang maging isa. ang
puwang sa gitna nila’y pupunuin ng dugong nagkabit mula sa bawat isa.

magkaisa na sila sa lahat ng bagay.

( Ito Ang Bunga Ng Butong Nagmamahalan.docx silipin mo iyang nasa asul na sulat, isa iyang
malikhaing, literal, na paglalaawan)


hugis puso ang kalalabasan niyon. ang mga katanugan, sa tamang panahon, ay magiging sagot.



hindi pala sa lupa,
ngunit sa aking katawan.
ang mga tinik ay pag-ibig
na magtatangol sa akin.

kapag nakarating ka na sa aking kinalalagyan, huwag kang matatakot kung ito ay maluwang na naka
lagi ay kawalan. sapagkat, inilaan ko lamang sa iyong mga paa ang lapag, ikaw ang bahala na
pumuno sa lugar na iyon. ang mayroon lamang ako ay ang kinahahakbangan ng mga paa at ang tina
tanaw na kalangitan. ang mga ihahandog ko’y hindi maaring halikan pero, atlis, iyong magiging
tirahan. ligtas ka, pangako ko iyan.


ako man ang katus, o ikaw ang araw. wala na iyon sa ating mga kakayahan na baguhin. pero, pero
dumating ka. huh? hihintayin kita. hihintayin ko ang segundo, minuto, isang araw, buwan, taon,
ang buong buhay ko. hihintayin ko ang tamang oras. huwag kang magmamaktol sa mga planetang
nakapalibot sa iyo, sa lahat ng nagmamahal, ako lamang ang natatanging nakahinto at naghihintay.


isinigaw ng kaktus, noong biyernes, kung wala ka, hindi ako nagmahal. ngayong sabado, babanggitin
ko na lamang na kung hindi kita makikita, malamang ay nakatalikod na tayo sa isa’t isa, wala ng tanong,
matagal na nating minamahal ang isa’t isa.


dahil hindi naman kailanman makikita ang pag-ibig. nagsasakripisyo ang mga tandang pananong na
tumalikod para lamang maging isang buong saagot. kung hindi nila iyon gagawin, yayabong lamang
sila paangat sa kalawakan at bibiyakin ng kanilang mga ugat ang kalupaan ng mga tao. parang baobab
sa maliit na planeta ng isang maliit na prinsipe na naglayas–dahil siya’y nasaktan ng kanyang maliit
na rosas.

sana, hindi natin masaktan ang isa’t isa, baling araw. sana, sa ating pagtatagpo, para lang tayong salamin
na ngingiti ako, at iyon rin ang igaganti mo sa akin.

kahibangan nga. kahibangan na magpantasya sa isang tila-kaluluwang minamahal. ikaw na minamahal ko,
ikaw nga ang minamahal ko. hindi kasi kita makita, wala ni isang hibla ng buhok. hindi ko matanaw ang
titig ng iyong mga mata, blangko ang kabuuan ng iyong labi. walang kamay, walang leeg. bakit ganyan mo
ako mahalin? maihahanlintulad sa basong walang laman. sa sobrang pag-ibig nga, hindi ka na nakikita–tagos
sa iyo, minamasdan ko ngayon ang buong daigdig. na napakaganda. na napakasaya.

patawarin mo ako, dahil kumpleto ako sa mga mata. ang buhok ko’y maiksi, itim at d’i kulot. hindi ako
matagkad pero maari ko pa ring maabot ang iyong balikat, kumapit kapag ako ay natatakot. makinis na balat,
punong-puno ng mga tula at pangungusap ng pag-ibig, naisulat sa mga masasaklap na panahon na wala
akong bitbit na papel. patawad sapagkat ang pag-ibig ko’y isang nakikitang litrato. hindi ako gaya. ako,
ang aking nararamdaman para sa iyo ay nakapaloob lamang sa likod ng aking mga balat, hindi iyon kasing
lawak ng buong planeta. munti, sa kaliitan ng pag-ibig ko, para lamang iyong puting perlas na
na nakatira sa isang kabibe sa pinakalailalim ng karagatan, na maari mong itago sa iyong pinagdaop na
mga palad, panatilihin ang yumi hanggat kaya mo pa.


may biglang lungkot ang umupo sa aking puso, napagod na sa paglalakad at nataon iyon sa isang
eskinita, isang ugat. nakalulungkot lang.


tumatanda ako para sa iyo, huwag mong alalahanin ang aking edad. ang pagdami ng mga sulatin ko,
huwag mong ikababahala. kung sa balang araw ay ‘di na ako makaguhit ni kahit letrang ‘a’, ‘wag mo rin
iyon bigyang-pansin. wala sa bilang ang lahat. isa ka lamang, ako ay isa. ngunit sa panahon n gating
pagsasama, isa pa rin naman ang numero para sa atin. walang kwenta ang matematika o gramatika,
walang habas kong sasabihin na ‘mahal ko siya!’ kahit hindi iyon ang angkop na sagot sa tanong na,
‘bakit kaya ang linaw ng tubig sa ilog na ito?’



nilikha mong mangmang
sa karunungan ng pagmamahal,
at ang siyang natuto ay
mauubusan ng kaalaman.


darating ang oras na sa ating paglago ng magkasama, sa gilid n gating mga bilog na mata,
matatanaw natin sa isang malinaw na tubog ng ilog na, ang ganda nating tignan kapag magkasama.

napakaganda kapag nagmahal.


mula ito sa taong matagal ka ng minamahal at mamahalin ka pang doble
kapag kayo’y naging isa na. hindi man iyan bukas, pero isa sa mga bukas.


inabot ng ilang oras
ito, nanakabaliw kasi
gutom na ako.
12:21 ng madaling araw.
madaling araw na.

ps: hayaan natin na ang mundo ang umikot upang sa tuwing takdang oras, ay magkita tayo.

—————————————————————————————————- gupitin at itago, habang buhay——————————————


Hinanap ko pa yan at tinype at nakakapagod ‘yon akala mo ba. Liham iyan ni Maria Ignacio sa kanyang future love na hindi niya pa kilala. Ang mali lang e di ko nasulat kung ano yung libro tsk Nakita ko lang ‘yan sa isang libro do’n sa library ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Hahaha proud pupian. Sinulat ko mano-mano sa yellow cattleya ko kasi sobrang nagandahan ako at sana ganun rin ang naramdaman mo pagkabasa mo.

Binasa mo ba?

Huwag kang tamarin. Napakagandang liham niyan. Isa sa mga obrang sulat na natatangi. Para bang letra na pinagpala. Napupuspos ng pag-ibig.

Iyon lang. Sana nasa ayos ka, miss na kita bestfriend.



ang pagkakaibigan natin,
parang bibe, nasa pond.
nagsi-swim. siya ay glad.

Joarah Anghag Amarles, ang iyong kaibigan,
Juliet Noora Sobrang Ganda Borromeo


72114 /// 5.10 ng hapon

http://www.youtube.com/watch?v=5MbN81MAJFMhttp://www.youtube.com/watch?v=5MbN81MAJFMhttp://www.youtube.com/watch?v=5MbN81MAJFMhttp://www.youtube.com/watch?v=5MbN81MAJFM

vvvnf

ps: pakinggan mo ito:

8:47 pm

8:40 pm  37,995 notes

9:23 pm  155,367 notes

(Source: 12-wanderlust-12, via ccumfurt)

spacettf:

Gamos y Luna Llena by dani caxete on Flickr.

8:21 pm  62 notes

8:20 pm  309,139 notes

(via tqlk)

“So Jacob worked seven years to pay for Rachel. But his love for her was so strong that it seemed to him but a few days.”

— Genesis 29:20 (NLT)

(Source: thunderpopcola)

8:20 pm  58 notes

8:20 pm  2,638 notes

Sylvia and Ted “interrupted in a spat,” Chalot Square, London, July 25, 1960 photographed by Hans Beacham for a portfolio of images of British writers

"They were sullen. Hughes was rude. He was going to get more attention than she, and she didn’t like that while he did. He invited me outside and told me I needed to know that he loathed photographers". Hughes particularly wanted to keep Plath out of the way. "His wish, of course, forced me to photograph them together", Beacham said; and later; Hughes acknowledged that he had been "an ogre."

—Diane Middlebrook, Her Husband: Hughes and Plath-a Marriage, 2003

(Source: lovingsylvia, via fleurstains)

8:19 pm  8,370 notes

elenamorelli: {head in the clouds}

(via n0rthwind)

“And we, who always think of happiness
rising, would feel the emotion
that almost confounds us
when a happy thing falls.”

— Rainer Maria Rilke, from “The Tenth Elegy”, translated by Edward Snow (via the-final-sentence)

8:17 pm  294 notes

8:17 pm  461,663 notes

(Source: dannykahtan, via deanvictorr)

9:23 pm  21,998 notes

8:45 pm  21,283 notes

notebookings"너로된 이불, Blanket of You," Daehyun Kim (2009)

(Source: killheji)

8:45 pm  9,041 notes

I told Miyazaki I love the “gratuitous motion” in his films; instead of every movement being dictated by the story, sometimes people will just sit for a moment, or they will sigh, or look in a running stream, or do something extra, not to advance the story but only to give the sense of time and place and who they are.

"We have a word for that in Japanese," he said. "It’s called ma. Emptiness. It’s there intentionally.”

Is that like the “pillow words” that separate phrases in Japanese poetry?

"I don’t think it’s like the pillow word." He clapped his hands three or four times. "The time in between my clapping is ma. If you just have non-stop action with no breathing space at all, it’s just busyness. But if you take a moment, then the tension building in the film can grow into a wider dimension. If you just have constant tension at 80 degrees all the time you just get numb.

Roger Ebert, on Hayao Miyazaki (via notebookings)

(Source: improv-is-easy, via notebookings)

8:44 pm  56,680 notes

        Next Page
s.t.